With the excitement over the upcoming TV5 miniseries Sa Ngalan ng Ina, the revelations by one of the show's supervising producers Jo-ann Bañaga have only whetted the appetite for Ms. Nora Aunor's comeback acting vehicle under the helm of award-winning director Mario O'Hara. Here's the transcript of Bañaga's interview with
"Mas malaki na ang role ni Ian. Ngayon, it's more on the story of the family—Nora, Boyet [Christopher de Leon's nickname], and Ian." Matatandaang nag-desisyon si Ryan na hindi na tumuloy sa serye dahil hindi nito kakayanin ng tight schedule niya. May Talentadong Pinoy and Eat Bulaga regular shows si Ryan, at malapit nang mag-shooting ng pang-MMFFP movie niyang My House Husband with wife, Judy Ann Santos.
"Ryan's role is super special 'coz in the end, you will know na lahat ng kaguluhan sa istorya, siya ang may kagagawan." Katiwala ba ni Nora ang role ni Ryan na napunta kay Ian? "Hindi siya katiwala," pagtutuwid ni Jo-ann. "Magugulat ka. Hindi siya ordinaryong tao. Kamag-anak siya ng isa sa kanila..."
Ano ba ang istorya ng Sa Ngalan Ng Ina?
"It's a political drama na nagpakita ng lakas ng isang ordinaryong ina para patakbuhin ang isang bayan... isang buong bayan, isang buong lalawigan, hindi lang hacienda. Probinsiya ang setting. Yung buong lalawigan, siya ang nagpatakbo. Only to find out na noong tinanggap niya ang offer to take over yung position nu'ng husband [Bembol Roco] — na nanalo siya. Then she finds out na hindi pala ganoon kadali yung gagawin niya. Na sa tangka niyang linisin ang buong lalawigan, she has to make a big sacrifice involving her own family. Kasi, nakita niya yung mga tao na kinakain na ng sistema, ng pulitika. Na ayaw niyang gawin. Para maituwid niya ang lahat ng pagkakamali ng asawa niya na dating nasa gobyerno, kailangan niyang [gumawa] ng isang malaking sakripisyo."
Ano ang kaugnayan ng character ni Boyet sa character ni Nora sa istorya?
"Dati silang may relasyon, noong wala pa sila sa pulitika. They were high-school sweethearts. Matalino si Guy. Si Boyet, ambisyoso. Matalino rin si Boyet kasi naging abogado siya, e. Si Guy, lumuwas ng Maynila. Mas matalino siya. Naghanap siya ng mas malaking karunungan. Kaso, she ended up as a nurse. Si Boyet ended up as a lawyer. Mas malaki ang ambisyon niya [at] nag-asawa siya ng isang herederang laki sa political family sa probinsiya. Tapos, si Guy, galing Manila, pagbalik niya ng probinsiya —nurse na siya — binalikan niya si Boyet. Hindi na available si Boyet, nakapag-asawa na — kay Osang [Rosanna Roces]. So, umalis siya sa sama ng loob. Noong bumalik siya after five years, nagkita sila uli ni Boyet pero may asawa pa rin ito, si Osang pa rin, kaya lang, na-reveal na hindi maligaya si Boyet. They [Nora and Boyet] have a one-night stand. After that, umalis uli si Ate Guy, pagbalik niya, may dala na siyang bata. Nakapag-asawa siya sa Maynila.
In other words, hindi sila nagkatuluyan noong bumalik siya. Tapos, in the end, nagkaroon pa sila ng political rivalry. Kasi, noong bumalik si Ate Guy, napangasawa niya yung vice mayor... Si Boyet, governor na. Kumandidato yung vice mayor, pero na-assassinate. Si Ate Guy ang kinuha ng political party para mag-assume ng position. Nagwagi si Ate Guy, kalaban niya sa pulitika si Boyet. Tumakbo uli as governor si Boyet pero natalo.Yun naman ang bago, may pagka-political ang kuwento..."
NORA LOOKALIKE. May naikuwento rin si Jo-ann na nakakatuwang scenario nang naganap ang official pictorial ng cast with top photographer Pancho Escalar, kamakailan lang. "Ang nakakatuwa, sa pictorial, nakaupo si Ate Guy na ganyan, may bandera [ng Pilipinas] sa likod niya, [at] kamukha niya si GMA [Gloria Macapagal-Arroyo]!" tawa niya.
Ano naman ang character ni Rosanna Roces?
Pinahirapan ni Osang ang buhay ni Ate Guy. Kasi, ang gusto niya, ang asawa pa rin niya ang gobernador. Political family kasi si Osang, e. Gusto niya, pamilya pa rin niya ang may hawak noon."
REUNION. Reunion project nga ito nina Nora, Boyet, at Bembol with Direk Mario dahil noong 1976 ay ginawa nila ang classic World War II drama na Tatlong Taong Walang Diyos. Thirty-five years later (2011), heto, at muli silang magsasama sa isang proyekto — kahit sa telebsiyon lang, via TV5's Sa Ngalan Ng Ina.
Ano naman ang character na ginagampanan ni Bembol sa istorya?
"Actually, asawa ni Guy si Bembol — siya yung vice mayor na tumakbong governor. Asawa ni Ate Guy si Bembol na namatay. Tapos, simula nu'ng namatay ang asawa niya, hindi na siya nagsuot ng ibang kulay. Parati siyang nakaitim. Dumating lang ang punto na nalaman niya ang katotohanan, 'saka siya nagsuot ng ibang kulay."
Kumusta ang una niyang pakikipag-usap kay Boyet tungkol sa proyektong ito? Okey naman. Hindi ako ang unang nag-approach. Meron na, meron na kasi [na kumausap]... Nu'ng sinabi ko sa kanya na, 'Si Ate Guy ito!'... 'Oo naman,' sabi niya. Hanggang sa dumating sa punto na yung kanta [theme song ng serye], sabi niya [Boyet], 'Si Guy na lang ang kumanta [ng theme song], Nora Aunor 'yan eh!' Meron siyang gano'n.
Reunited with Christopher de Leon |
GUY & BOYET. Going back sa story conference ng show sa Max's Restaurant kamakailan lang, kumusta naman ang atmosphere doon?
"Maganda. Masaya. Nakita niyo naman ang pictures sa Facebook. Nakakatuwa! Kasi, kami lahat, nakatingin sa kanilang dalawa [Guy and Boyet] na nag-uusap, tapos, nagtatawanan... Nagta-tapik, gano'n...Ang ganda ng atmosphere. Ang saya. Nagbatian sila. Nagkuwentuhan. Siyempre noong una, ayaw naming lumapit kasi nag-uusap sila e. Privacy. May bulungan, gano'n... Siyempre, kaming lahat, kinikilig! Aaayyyy!!!
Kasi, hindi namin nakikitang nag-uusap ever, e. Ang alam ko, that was the first time na nagkita sina Boyet at Guy mula no'ng dumating sa bansa si Nora. Yun ang alam ko. Siyempre, yung production, yun ang inaabangan naming lahat. Noong dumating si Guy, hinalikan niya [Boyet]... Chika sila. Kuwentuhan.
Hindi naman nailang sa isa't isa ang dalawa o naging uncomfortable dahil ilang taon ring silang hindi nagkita at nagka-chikahan? "Hindi ah, nagbibiruan nga sila e. Naku, eto nga ang nakakatawa, sa pictorial, lahat ng video, umalis na... Wala na ang mga TV cameras... Kinunan sila ng picture, silang tatlo, pati si Ian. "Kinandong nila si Ian! Napaka-touching! Sobrang nakakatuwa! Sabi ko, 'Putcha! Wala ba kayong video?!' Kinuha ko yung camera ko, yung phone ko, yun ang ginamit kong pang-video...! Ako lang ang may kopya! Nagbibiruan pa sila, nagkukuwentuhan."
VILMA MIGHT VISIT. Ayon kay Jo-Ann, handang-handa na ang first taping day ng Sa Ngalan Ng Ina sa Lunes, sa location set sa Taal, Batangas.
Take note na ang gobernadora sa nasabing bayan ay ang kumare ni Nora na Star for All Seasons, si Governor Vilma Santos. "Oo, all set na sa Monday. Ready na... Nakakatawa lang, kasi, sabi namin, 'What if dumating si Ate Vi?' Sa Taal, Batangas nga kasi kami sa whole series. Since it's a political drama, doon kami sa churches, yung munisipyo doon, gagamitin namin. "'Di ba siyempre, 'pag nalaman ni Ate Vi yun, na nandiyan si Ate Guy? Go na! Baka dumating, 'di ba? Masaya ito!" tili ni Jo-ann.
Samantala, totoong nagkasakit si Nora recently dahil sa overfatigue. Magmula nang dumating ito sa Pilipinas noong August 2 ay walang humpay ang trabaho nito. Dumating pa rin ito sa set ng El Presidente kahit mataas ang lagnat, pero ang doktor na umano ni Governor ER Ejercito ang nagsabi na huwag nang ituloy ang shooting at in-advise itong mag-bed rest. "Totoong nagkasakit siya," ani Jo-ann. "Nakita ko e. 'Saka, andun yung doktor sa tabi ko. Hawak-hawak ko nga yung reseta. "Kasi, ang tagal na niyang ratsada di ba, so bumigay ang katawan. Nag-ano yung katawan niya, pero okey na naman ngayon."
DIREK MARIO O'HARA. Ilang award-winning classic Nora Aunor films rin noong 1970s to 1980s ang dinirek ni Mario O'Hara, tulad ng Tatlong Taong Walang Diyos, Condemned, Bulaklak Sa City Jail, at Bakit Bughaw Ang Langit.
Kumusta naman ngayon sina Nora and Direk Mario O'Hara—after more than three decades na hindi pagta-trabaho?
Ay naku, noong una silang nagkita, nagyakapan nang matagal na matagal! First time nilang nagkita noong private conference pa lang namin." Sa kauna-unahang pagkakataon, napapayag ang isang Mario O'Hara na mag-direk ng isang teleserye. Paano niya ito napapayag? "Naku, si Direk Mario, walang tinanggap na work 'yan for TV. Tinawagan ko siya noong wala pa si Ate Guy... Sabi ko, 'Direk, gusto mong mag-TV?' Sagot niya, 'Ahhmm, depende.' Sabi ko, 'Direk, nasa TV5 na ako,' etcetera, ganoon... Tapos, sabi ko, 'Direk, mag-TV ka.' Sabi niya, 'Alam mo, ayoko kasing mag-TV dahil ganito-ganyan...' "Kasi daw, ang daming nakakaalam. Ang daming kumukuwestiyon. Ang daming tsu-tsu-tsu! Maraming nangingialam, ayaw noon ng ganoon.
Alam mo naman yun, kung ano ang gusto niya, yun ang dapat... Tapos, sabi ko, 'E, Direk, Ate Guy ito!' "Sabi niya, 'Talaga?' Tapos, biglang sabi niya, 'Sigurado ka?' Sabi ko, 'Oo, Direk! Darating na [galing Amerika].' Sagot niya, 'E, di mag-usap tayo 'pag nandiyan na. 'Pag lumapag na ang eroplano!' Ayaw niyang maniwala noong una.
Until finally, noong dumating na, andiyan na si Ate Guy, sabi ko, 'Direk, andiyan na!' Sabi niya, 'O, sige, isa lang ang gusto kong itanong: Ilan ba dapat ang kakausapin ko dito?' "Sabi niya, 'Kasi, ang ayaw ko sa lahat sa dalawang networks [ABS-CBN at GMA-7], meron ka nang kinausap, siguro, may pitong levels pa ang kakausapin mo pa rin.'
Sabi ko, 'Direk, hindi po. Pagkatapos nating mag-usap, isa na lang.' "At siya ay si Percy [Intalan, TV5 Head for Creative and Entertainment]. So, after naming mag-usap with the creative team, si Percy na. "Sabi ko sa kanya, 'Wala na Direk!' Tama na yun. Sabi ni Direk, 'Okey! Go tayo!' So, after that, tinext ko na sina Percy, sabi ko, umoo na si Direk Mario. Sabi nila, 'Yeheeeeyyy!' Nagsaya silang lahat. Kasi, 'di ba, hindi pa nagti-TV si Direk."
Ang kuwento originally ng Sa Ngalan Ng Ina — na dating Donya Negra — ay may sinasabing original scriptwriter na si Rey Castro. Ano ba ang nangyari at na-revise ito? "Donya Negra dati 'yan e. Nandoon pa rin si Rey, doon pa rin ang pinaka-kuwento, doon pa rin binase yun e. "Political drama rin yung Donya Negra, na kaya ganoon ang title e, dahil sa nagluksa siya, nu'ng mamatay ang asawa, lagi na siyang naka-itim. Kaya Donya Negra.
"Ni-revise ang script. Nilawakan. Kasi, medyo dark nang kaunti e. Hindi naman tatanggapin yung gano'n sa TV audience, kaya ginawa naming medyo mas melodrama. "Pero si Direk, ayaw niya noong... Nagbi-veer away siya sa mga soapy-soapy type of serye. "Ang gusto niya, a good story. Kasi, 'di ba, may formula ang soap? Ayaw niya noon. Natatawa siya kapag nilalagyan namin ng soap material... Ay, ang galing!
Glad to work again with the great Mario O'Hara |
Ang gusto niya, what is logical sa totoong buhay. Sasabihin niya, 'Alam niyo, mali rin naman ang ginagawa niyo sa audience, pagka-tinuturo niyo ang ganyan... Yung totoong katotohanan ang ibigay natin. "Sabi ni Direk, 'We must make a statement. This is a mini-series. It has to be compact, it has to be condensed. Sa soap, pinapahaba niyo, maski na konting iyak lang, 30 minutes niyong paiiyakin!' Nawawala yung istorya. Nawawala yung laman. Nawawala yung essence of the story. Siya, gusto niya, parating may logic. Kaya five weeks lang kami, kasi, compact yun."
Ilang araw sa isang linggo ang taping ni Nora?
MORE SPOILERS. "Three times a week siya. Siya ang bida e! Sa kanya lahat. As is siya. Dito, siyempre, ordinary housewife... Actually, naging yaya muna siya ng asawa ni Bembol. Naging nurse siya ng buong family ni Bembol.
May asawa sa una si Bembol, namatay. Noong ipinanganak si Edgar Allan, namatay yung nanay [asawa ni Bembol sa simula]... So, siya [Nora] yung nurse, hanggang sa inalagaan na rin niya ang dalawa pang anak [Alwyn and Nadine]. Si Edgar, paborito siyang stepson ni Ate Guy. In the process, na-in love na si Bembol kay Guy, pinakasalan siya. Si Nadine ang anak ni Bembol sa unang asawa. Siya ang nagpahirap kay Ate Guy, ayaw niya kay Nora. Bida-kontrabida ang role ni Nadine. Si Nadine, Alwyn, at Edgar Allan ang magkakapatid. Mga anak ni Bembol sa unang asawa. Ang anak ni Guy, si Eula [Caballero]... Sikreto kung sino ang ama nito," pagwawakas ni Jo-ann Bañaga.
No comments:
Post a Comment